Happy Monday, QC! ![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang flag raising ceremony, kasama si 23rd City Council Majority Floor Leader Aly Medalla at iba pang kasapi ng Sangguniang Panlungsod.
Kasabay nito, ginawaran ng pamahalaang lungsod ng Certificate of Commendation ang Buddhist Tzu Chi Medical Foundation Philippines, Inc. sa pamamagitan ng City Council Resolution SP 10273 S-2025.
Tinanggap ang pagkilala ng kanilang pangulo na si Dr. Antonio Say.
Nagpasalamat ang Lungsod Quezon sa patuloy na pakikipagtulungan ng organisasyon sa pagbibigay ng eye surgical services para sa mga indigent QCitizens.
Samantala, pinarangalan din ang mga kawani ng lungsod sa ilalim ng Career and Self Development Award.
Ito ay para sa mga empleyadong nakapasa sa licensure examination o nagtagumpay sa kanilang pag-aaral habang patuloy na naglilingkod sa pamahalaan.










