Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy Monday, QCitizens! ![]()
![]()
Ngayong unang Lunes ng Abril, pinaalalahanan ni Vice Mayor Gian Sotto ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na pairalin ang positibong pananaw sa pagharap sa mga pagsubok.
Binigyang-diin din ng bise alkalde na bilang public servants, bawat empleyado ay dapat magpatuloy sa paglilingkod nang walang hinihintay na kapalit o papuri. Gagawin ang trabaho nang tama, dahil ito ang tungkulin ng bawat kawani.
Dumalo sa flag-raising ceremony ngayong umaga sina Mayor Joy Belmonte, mga konsehal, department heads, at mga empleyado ng pamahalaang lungsod.








