Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ngayong suicide prevention month, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte kung gaano kahalaga ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga residenteng may pinagdadaanan.
Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony ngayong umaga, binigyang-diin ng alkalde na bukod sa bayanihan sa panahon ng sakuna, mahalaga ring itaguyod ang diwa sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta, pag-asa, at lakas sa isa’t isa.
Sa Quezon City iba-ibang programa ang itinatag ng pamahalaang lungsod para palakasin ang adbokasiya sa mental health, tulad ng Mental Health Code, Mindscapes, Helpline 122, at Mental Wellness Access Hubs sa mga komunidad.
Sinisiguro rin na ligtas ang mga pasilidad, kabilang ang mga paaralan at opisina, para sa lahat ng mga indibidwal.









