Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang flag raising ceremony kasama ang mga konsehal at department heads. ![]()
Ipinakilala rin ni Konsehal Atty. Tope Liquigan ang kanyang proyekto, ang pag-install ng face recognition turnstile machines sa mga pampublikong high school sa District 3.
Layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante dahil awtomatikong makakatanggap ng text alert ang mga magulang tuwing papasok at lalabas ng paaralan ang kanilang mga anak.
Kinilala naman ang mga natatanging kawani ng lokal na pamahalaan sa Career and Self Development Awards.








