Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Happy Monday, QC!![]()
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto ang flag raising ceremony para kumustahin at pasalamatan ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ngayong Quezon City Government Employees’ Day.
Binigyang-diin ni Mayor Belmonte ang mga programa ng lungsod na nakatuon sa pagpapahalaga at pangangalaga sa kapakanan ng mga empleyado ng Quezon City Government.
Kasabay nito, ginanap din ang kickoff ceremony ng National Scouting Month ngayong Oktubre, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1326 na nilagdaan noong 1974.








