Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Magandang araw, QCitizens! ![]()
Nanguna sina Vice Mayor Gian Sotto at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod sa ginanap na flag raising ceremony ngayong araw.
Nagsilbing panauhing pandangal si Usec. Michelle Anne Gonzales, chairperson at chief executive officer ng Presidential Commission for the Urban Poor.
Tinalakay niya ang iba’t ibang programa ng PCUP para sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng maralitang Pilipino sa tulong ng ALPAS Komunidad.
Kinilala rin ang mga natatanging kawani ng pamahalaang lungod sa Career and Self Development Award, habang ginawaran ng QC Service Award ang mga empleyado na nagsilbi sa pamahalaang lungsod ng 20 taon o higit pa.





