Ginugunita ng Quezon City Government ang World AIDS Day ngayong December 1.
Sa flag-raising ceremony, ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte kung paano tinitiyak ng lokal na pamahalaan na bukas at inklusibo ang lungsod para sa mga People Living With HIV (PLHIV).
Sa Quezon City, libreng ibinibigay ang Antiretroviral Therapy (ART) sa siyam na Social Hygiene Clinics at Sundown Clinics. May available ding Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP).
Ina-update na rin ang HIV reference manual para sa mga kabataan. Itatayo na rin ang Klinika Talipapa na magseserbisyo naman para sa mga QCitizen sa District 6.
Noong Sabado, nakiisa ang lungsod sa Walk for a Cause program ng Department of Health at Philippine National AIDS Council (PNAC) bilang suporta sa pagpapalakas ng kampanya para tuldukan ang pagkalat ng HIV/AIDS.










