Magandang araw, QCitizens!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte at ng mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod, ang flag-raising ceremony ngayong araw.
Kasabay nito, kinilala ang mga kawani ng lokal na pamahalaan na nagpakita ng husay at dedikasyon sa pamamagitan ng QC Career and Self Development Award.
Ang parangal na ito ay para sa mga empleyadong matagumpay na nakapasa sa Civil Service at iba pang licensure examinations, gayundin sa mga nakapagtapos ng kanilang graduate studies.
Pinarangalan din sa QC Service Award ang mga kawani nakapaglingkod ng 20 years o higit pa.








