Mainit na tinanggap ng QC Police District sa pangunguna ni PBGen. Nicholas Torre III si Vice President Sara Duterte bilang guest of honor sa ginanap na flag-raising ceremony sa Camp Karingal kaninang umaga.

Inihayag ni VP Sara ang kahalagahan ng pagkakaroon ng empowered women at pagsulong ng inclusivity sa komunidad. Binigyang-pugay niya rin ang QCPD sa pagsisikap nito na maprotektahan ang mga biktima ng gender-based violence.