Kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga kawani at residente ng Barangay Bagong Pag-asa kasabay ng flag raising ceremony kasama ang pamunuan ng barangay.
Inilahad ni Mayor Joy na patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaang lungsod upang makapagbigay ng serbisyo sa mga higit na nangangailangan sa komunidad.
Ibinida rin ni Punong Barangay Chinggay Bilaos ang mga programa ng Bagong Pag-asa para sa mga residente nito.
Nakiisa sa seremonya sina Action Officer Ollie Belmonte at ang barangay council.




