Nanumpa sa tungkulin ang elected youth leaders ng Men Opposed to Violence Everywhere (MOVE) for Youth sa flag raising ceremony ngayong araw.
Nagsilbing inducting officer si Vice Mayor Gian Sotto, habang saksi naman si Mayor Joy Belmonte at mga konsehal. Parte ito ng kampanya para labanan ang karahasan sa mga kababaihan.
Samantala, ginawaran naman ng Innovation of the Year Award ang QC Health Department (QCHD) para sa kanilang Self Test Express, at ang Schools Division Office (SDO) para sa kanilang ADM Calendar Learning Activity Sheets.
Ang Innovation of the Year Award ay ibinibigay sa mga city department na nagsusulong ng makabagong programa na nagdulot ng malaking epekto sa antas ng pamumuhay ng mga QCitizen.
Binigyang pagkilala rin ang mga natatanging empleyado ng pamahalaang lungsod sa Career Service Award, habang pinangaralan ng QC Service Award ang mga kawani na nagsilbi sa lokal na pamahalaaan ng 30 taon o higit pa.










