Naging panauhing pandangal si former Commission on Audit (COA) Commissioner at senatorial aspirant Heidi Mendoza sa flag-raising ceremony ngayong umaga.
Bilang advocate ng good governance, kinilala ni Mendoza ang galing ng Quezon City sa pagsisiguro ng tapat at mahusay na pamamahala na dahilan ng pagtaas ng revenue ng lungsod at pagdami ng programa para sa mga QCitizen.
Kapag nahalal, nangako ang dating COA commissioner na isusulong ang good governance at titiyakin na mapupunta sa mga nararapat na programa ang buwis ng mga mamamayan.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga konsehal ang pagsalubong kay Mendoza sa QC Hall.




