Mainit na tinanggap ng mga kawani ng pamahalaang lungsod ang pagbisita ni dating senador Bam Aquino ngayong araw kasabay ng flag-raising ceremony.
Inilatag ng dating senador ang kanyang mga napagtagumpayan bilang mambabatas tulad ng pagpasa ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act at ilan pang reporma sa edukasyon.
Layon rin ni Aquino na paigtingin pa ang sektor ng maliliit na negosyo o social enterprises at masiguro ang trabaho sa bawat pamilyang Pilipino.
Kabilang sa mga malugod na sumalubong kay former Senator Bam Aquino sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.




