Bumisita sa Quezon City Hall si legendary boxer at former senator Manny Pacquiao ngayong umaga.

Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony, binigyang-diin ni Pacquiao na prayoridad niyang tumulong at matugunan ang mga kinakaharap ng mga Pilipinong lubos na nangangailangan.

Bilang senatorial aspirant, layunin ni Pacquiao na tiyakin na walang maiiwan at bawat mamamayan ay aasenso at uunlad.

Malugod namang sinalubong si Pacquiao nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at mga konsehal.