Nagsilbing panauhing pandangal si Sen. Francis Tolentino sa flag-raising ceremony sa Quezon City Hall ngayong umaga.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan at kolaborasyon ng mga local government unit sa pag-unlad. Nangako siyang mas papalakasin ito at ang implementasyon ng Local Government Code of 1991, sakaling muling maihalal bilang senador.
Si Sen. Tolentino ay malugod na tinanggap ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto.




