Aabot sa 1,000 tricycle drivers mula District 1 ang nakatanggap ng fuel subsidy mula sa pamahalaang lungsod.
Pinangunahan nina District 1 Action Officer Ollie Belmonte at Task Force on Transport and Traffic Management (TFTTM) chief Dexter Cardenas ang pamimigay ng fleet card na naglalaman ng P1,000. Tulong ito sa mga tsuper na lubhang naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Naisakatuparan ang programa sa pamamagitan ng City Ordinance SP 3100 S-2022 na naglalayong mabigyan ng fuel subsidy ang mga may prangkisang tricycle for hire sa Lungsod Quezon.