Personal na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang Fuel Subsidy fleet cards sa mga miyembro ng mga Tricycle Operators and Drivers Associations mula sa District 6.
Nakatanggap ng fleet card na nagkakahalaga ng P1,000 ang mga TODA members na maaaring magamit sa isang buwan o P400 kada araw na halaga ng gasolina.
Target ng lokal na pamahalaan na maipamahagi ang fleet cards sa mahigit 24,700 Tricycle Operators and Drivers’ Association members ng buong lungsod.
Nakiisa sa pamamahagi ng fleet cards sina Traffic and Transport Management Department (TTMD) OIC Dexter Cardenas, TTMD – Tricycle Regulatory Division in-charge Benjamin Ibon III., District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, at Brgy. Talipapa Kagawad Choleng Juan.