Patuloy ang pag-iinspeksyon ng Quezon City Government sa mga flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lungsod.
Ngayong araw, kabilang sa pinuntahan ng Department of Engineering ang mga DPWH projects sa mga sumusunod na barangay:
District 1
Balingasa (retaining wall)
Masambong (flood interceptor)
District 4
Dona Imelda (pumping station)
District 6
Baesa (Mendez creek)
Apolonio Samson (Slope Protection)
Base sa pahayag ng mga residente, mas lumala ang pagbaha sa ilan sa mga lugar na pinagtayuan ng mga flood control project.
Susuriin din ng lokal na pamahalaan ang scope of work ng mga proyekto, para tiyakin ang kalidad ng mga imprastraktura at malaman kung nakaayon ito sa kontrata.
Bukod sa naunang ulat na 141 DPWH flood control projects, may iba pang proyekto ang vine-verify ng pamahalaang lungsod, sa tulong ng mga District Action Officers at mga Punong Barangay.








