Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang ilang lugar sa Quezon City na apektado ng matinding pagbaha noong Sabado, kabilang na ang mga ginagawang flood control projects ng DPWH.
Nakipag-usap din siya sa ilang residente upang marinig ang kanilang karanasan at suhestiyon kung paano pa mapapabuti ang mga programa ng lungsod laban sa pagbaha.
Binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng pagsunod sa Drainage Masterplan upang mas maging epektibo ang mga solusyon sa pagbaha.
Kasama niya sa inspeksyon sina City Engineer Atty. Dale Perral, mga Action Officer, at ilang opisyal ng barangay.








