Personal na ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang mga flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na itinatayo sa mga Barangay ng Mariblo at Talayan sa Distrito 1 ngayong Sabado.
Natukoy na sanhi ng mga nararanasang pagbaha sa mga komunidad ang mga proyekto dahil itinayo ang mga ito sa gitna ng creek, na nakakaapekto sa daloy ng tubig.
Una nang nanawagan ang Pamahalaang Lungsod sa DPWH na palitan na lamang ng detention basins ang mga proyekto na alinsunod sa QC Drainage Masterplan.
Nagkasundo ang DPWH at lungsod na magtulungan na baguhin ang disenyo at implementasyon ng mga proyekto upang maiwasto ang mga natukoy na problema.
Kasama ng Alkalde sa pag-iikot sa District 1 sina DPWH Asst. Regional Director Montrexis Tamayo, Chief of Staff Rowena Macatao, City Architect Ar. Red Avelino, City Engineer Atty. Dale Perral, Internal Audit Service Head Atty. Noel Gascon, Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte.








