Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Upang mabawasan ang nararanasang matinding pagbaha sa G. Araneta Avenue, kasalukuyang isinasagawa ng Quezon City Government ang flood mitigation project na Detention Basin sa G. Araneta Avenue, sa bahagi ng Brgy Sto. Domingo at Siena.
Ang proyektong ito ay may habang 250 meters at may kabuuang detention capacity na higit sa 2,000 cubic meters.
Magsisilbi itong pansamantalang imbakan ng tubig-ulan upang makatulong sa pag-regulate ng daloy ng tubig sa lugar.
Bahagi ito ng patuloy na flood mitigation efforts ng Lungsod. Ilan sa mga kahalintulad na proyekto ang naipatupad na rin, kabilang ang detention basin sa ilalim ng covered court sa Barangay Sta. Monica na kamakailan lamang ay natapos.







