Kasabay ng pagbisita ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa lungsod, tinalakay nina Mayor Joy Belmonte at City Engineering Department head Atty. Dale Perral sa senador ang mga proposed projects para sa Drainage Master Plan.
Ibinahagi rin ang mga naging epekto ng matinding pagbaha sa QC na dulot ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Bilang tagapangulo ng Committee on Public Works sa Senado, sinuri ni Sen. Revilla ang mga proyekto ng QC at nagpahayag ng kanyang suporta para mabigyan ng prayoridad ang mga ito.
Katuwang din sa pagsulong ng mga flood mitigation projects sina District 4 Rep. Marvin Rillo, mga konsehal, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.