Ang mga Batang Kabahagi, kaisa sa kampanya ng lungsod para mapangalagaan ang kalikasan!
Kaninang umaga, sama-samang nagtanim ang 100 children with disability (CWD) mula sa QC Kabahagi Center, mga magulang, at government officials sa Payatas Controlled Disposal Facility (PCDF) bilang bahagi ng paggunita sa 45th National Disability Prevention and Rehabilitation week.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng pagtatanim ng puno na isa rin sa mga hakbang ng lungsod para maprotektahan ang mga mamamayan mula sa masamang epekto ng climate change.
Kasama rin sa nakiisa sa tree planting sina Coun. Ranny Ludovica, Coun. Aly Medalla, QC Sangguniang Kabataan Federation, President Coun. Julian Trono, mga city department heads, at barangay officials.