Bilang bahagi ng pagsasakatuparan ng Quezon City Freedom of Information Ordinance of 2019 (City Ordinance 2863-2019), sumailalim sa seminar ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ngayong hapon. Sa ilalim ng FOI Ordinance, bubuo ng proseso at mekanismo ang lokal na pamahalaan upang mabigyan ng access ang publiko sa mga dokumento at impormasyon.

Pinaunlakan ni Vice Mayor Gian Sotto ang programa, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng FOI Ordinance sa pagpapatupad ng transparency at good governance sa pamahalaang lungsod. Naroon din si Assistant City Administrator for General Affairs Atty. Rene Grapilon.

Mismong FOI-Project Management Office ang nagsagawa ng orientation upang talakayin kung anu-ano ang mga uri ng dokumento o impormasyon ang maaaring ibahagi ng mga departamento at opisina sa requesting public. Ipinaliwanag din kung paano ito i-proseso nang hindi maisasaalang-alang ang privacy base sa RA 10173 o Data Privacy Act of 2012.

Ang QC FOI Ordinance ay isa sa mga unang ordinansang ipinasa ng Quezon City Council sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Joy Belmonte na nagsusulong ng isang malinis at tapat na pamamahala.