Mainit na tinanggap ng pamahalaang lungsod si Foreign Minister of Israel His Excellency Eli Cohen sa Philippine-Israel Friendship Park sa Quezon Memorial Circle ngayong araw.
Ang naturang park ay itinayo bilang simbolo ng pagkakaisa ng Pilipinas at Israel lalo na noong malugod na tinanggap ni Pangulong Manuel Quezon ang 1,300 Jewish refugees sa bansa.
Kasama rin sa bumisita sina Israel Ambassador to the Philippines H.E. Ilan Fluss, Amb. Yosef Amrani, Director of Foreign Minister Diplomatic Bureau, at Amb. Rafael Harpaz, Deputy Director General for Asia and Pacific Affairs.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, City Administrator Michael Alimurung, Ms. Teresa Tirona ng City Tourism Department, Ms. Margarita Santos ng Business Permits and Licensing Department, at Atty. Dale Perral ng City Engineering Department ang pagsalubong sa mga panauhin.
Nakiisa sa courtesy visit ang mga apo ni dating Pangulong Quezon na sina Manolo Quezon at Ricky Quezon-Avanceña. Kasama rin sa mga bumisita si Ms. Cory Quirino na apo naman ni dating Pangulong Elpidio Quirino.
Matatandaan din na ganap ng sister-city ng QC ang city of Rishon LeZion kasabay ng pagbisita ng alkalde sa Israel noong Mayo.