Naging panauhin si dating DILG Secretary Atty. Benhur Abalos sa flag-raising ceremony sa Quezon City Hall kahapon.
Mainit siyang tinanggap ng lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto at mga konsehal.
Bilang isa sa mga senatorial candidates, ibinahagi ni Atty. Abalos ang kanyang mga nagawa noon bilang alkalde at kinatawan ng Mandaluyong City, at mga isinulong na programa bilang pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at DILG.
Tinalakay niya rin ang kanyang mga plano at plataporma gaya ng pagkakaroon ng benepisyo para sa job order government employees, at pagtanggal sa expanded value added tax sa kuryente.




