Babala sa QCitizens: Mag-ingat sa fraudulent scams!

Nakaabot sa ating Quezon City Business Permits and Licensing Department ang ilang report ng nagkalat na mensahe mula sa isang “MICHAEL CASIO” tungkol sa “REVOCATION” ng business permit dahil sa hindi pagbayad ng P200 miscellaneous fees. Kasama sa kanyang mensahe ang GCash account number kung saan maaring bayaran ang nasabing halaga.

Ang lahat ng bayarin patungkol sa business permit ay dadaan lang sa City Treasurer’s Office at sa mga awtorisadong payment center at payment platform.

Kung mayroong impormasyon o karanasan sa text scams at fraudulent schemes, i-report sa [email protected]