GET YOUR EYES CHECKED, QCITIZENS!
Magkatuwang na idinaos ng Quezon City Health Department (QCHD) at ng Philippine Medical Society of Northeast Florida ang libreng cataract screening at other eye problem para sa mga residente ng District 3!
Bahagi ito ng week-long at city-wide na surgical mission ng lokal na pamahalaan upang mas mailapit pa ang mga serbisyong medikal sa QCitizens ng Lungsod Quezon.
Bukod sa masusing screening ng mga ophthalmologist sa bawat benepisyaryo, nabigyan din sila ng iba-ibang angkop na gamot at libreng eye glasses.
Matatagpuan ang free cataract screening sa Barangay Loyola Heights Barangay Hall. Magtatagal ang screening hanggang Enero 22. Mag-uumpisa naman ang cataract surgery ng Enero 23 hanggang 27, 2024.
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa libreng operasyon para sa mga QCitizens: https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid02YmzYtcj3wezVMyQZSXvKi83tDN4Rtzgpr6WrBVNq3nR9krUumGyg1RXmAkmgHgJBl