Libreng dental services ang hatid ng Quezon City Health Department para sa mga QCitizen ng Barangay Pasong Tamo ngayong umaga.
Nasa 200 Pantawid Pamilyang Pilipino Program beneficiaries ang nabigyan ng serbisyo, kabilang ang Oral exam, oral prophylaxis, tooth extraction, at permanent & temporary filling. Tinuruan din sila ng mga paraan kung paano mapapanatili ang kalusugan ng kanilng ngipin.
Kinumusta rin mismo nina Mayor Joy Belmonte at District 6 Rep. Marivic Co-Pilar ang isinagawang libreng dental services sa Guanella Center, Servants of Charity.
Ang programa ay isinagawa bilang pakikiisa sa Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat (LAB for all) program, na bahagi ng pagdiriwang ng kaarawan ni President Ferdinand Marcos Jr.