Bilang bahagi ng Learning Recovery Program ng ating lungsod, muling nagsagawa ng libreng eye-check up para sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan.
Naniniwala ang lokal na pamahalaan na malaking tulong ang mga salamin na naaangkop sa grado ng mata ng mga bata upang masiguro ang kanilang pagkatuto sa klase.
Higit kumulang sa 17,500 na kabataan ang makakatanggap ng prescription eyeglasses sa ilalim ng programa.