Sumailalim sa libreng HIV Testing at Voluntary Counselling ang 150 Persons Deprived of Liberty (PDL) ng Quezon City Jail sa tulong ng Bernardo Social Hygiene Clinic.
Layunin nitong malaman ang HIV status at mabigyan ng agarang medikasyon ang sinuman na magpositibo sa virus.
Patuloy naman ang ating lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng libreng HIV Testing, Counseling at Sexually Transmitted Infection Consultation.
Para sa mga nais sumailalim sa HIV Testing, buksan ang link para sa pagkuha ng appointment.