Daan-daang residente mula District 5 ang nakatanggap ng libreng medical at dental check-up. Bukas ito sa lahat ng edad, bata man o matanda.
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang isinagawang medical mission kahapon para kumustahin ang lagay ng mga pasyente at personal na pasalamatan ang mga doktor at volunteers.
Maraming salamat kina District 5 Health Officer Dr. Lani Buendia, Dental Division Chief Dr. Elena Ignacio, Nursing Division Chief Melody Vasquez, at sa buong Jacksonville Medical Doctors.
Ito ay sa pakikipagtulungan kasama ang Quezon City Health Department, Office of the City Mayor, at District 5 Action Office sa pangunguna ni District 5 Action Officer William Bawag.