Nabigyan ng libreng splint mula sa University of the East Ramon Magsaysay (UERM) – Philippine School of Prosthetics and Orthotics nitong October 11 at 12, ang pitong bata sa QC Kabahagi Center for Children with Disabilities.
Masusing assessment at pagsusukat ang kanilang ginawa upang masigurong magiging kumportable at makakakilos ng maayos ang mga bata.
Ang splint ay ginagamit bilang suporta at proteksyon sa injured na buto, ligaments, tendon, at iba pang mga tissue.
Para sa iba pang programa ng QC Kabahagi Center for Children with Disabilities, sundan lamang ang kanilang Facebook page.