Free to be HUE, free to be you.
Bilang kick-off ng pagdiriwang ng Pride Month, opisyal na inilunsad ang makulay na Free to be HUE mural sa New Frontier Theater arcade, sa Gen. Roxas Ave.
Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Araneta City Vice President for Marketing Marjorie Go ang pagpapasinaya ng mural bilang simbolo ng pagtanggap, pagkakapantay-pantay, at pakikiisa sa LGBTQIA+ community.
Itinatampok sa mural ang obra ng muralist na si Marco Gordola at artist na si Mikaela David.
Nakiisa rin sa programa sina Janete Oviedo, Head ng Quezon City Gender and Development Council Office; Giana Aira Barata, Officer-in-Charge ng City Tourism Department; Joan Oliveros ng Galang Philippines; at Zabdiel Tolentino, Pangulo ng TIBO QC Federation.
Nananatiling matatag ang QC bilang safe space kung saan ang bawat isa ay malayang maipapahayag ang kanilang pagkakakilanlan, habang patuloy na isinusulong ang inclusivity at equality.
Happy Pride Month! ![]()










