Muling sumailalim sa briefing ang mga itinalagang Freedom of Information Officers ng bawat opisina at departamento ng Quezon City Government.
Ipinakita na sa mga kawani ng lokal na pamahalaan ang dashboard na magsisilbing portal ng FOI ng lungsod.
Ito ay bahagi ng pagsasakatuparan ng Quezon City Freedom of Information Ordinance of 2019 (City Ordinance 2863-2019) na isa sa mga unang ordinansang ipinasa ng Quezon City Council sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Joy Belmonte. Isinusulong nito ang isang malinis at tapat na pamamahala.