Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
PAGBATI SA MGA NAGSIPAGTAPOS! ![]()
Dumalo bilang panauhing pandangal si Mayor Joy Belmonte sa naganap na graduation ceremony ng batch 13 ng Academy of Political Management (APM) sa ilalim ng Friedrich Ebert Stiftung PH (FES) nitong Sabado.
Ang APM ay isang political leadership training program na layong hubugin ang mga youth leaders mula sa iba-ibang sektor sa democratic governance at progressive leadership.
Sa talumpati ng alkalde, ibinahagi niya ang mga inclusive and good governance initiatives at people-centered programs ng Pamahalaang Lungsod Quezon.
Kasama ng alkalde na nagbahagi ng mensahe at naggawad ng certificate at tubao sa 29 graduates sina FES PH Resident Rep. Natalia Figge at Akbayan Party-list Rep. Dadah Kiram Ismula.










