Nabigyan ng fuel subsidy sa pamamagitan ng fleet card ang 1,700 Tricycle Operators and Drivers Association TODA members mula District 4.

Naglalaman ang fleet card ng P1,000 fuel voucher para sa isang buwan, kung saan maaaring magamit ang hanggang P400 halaga ng gasolina sa isang araw.

Ito ay tugon ng lokal na pamahalaan para matulungan ang mga driver sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Naisakatuparan ang programa sa tulong ng City Ordinance SP 3100 S-2022 na naglalayong mabigyan ng fuel subsidy ang mga may prangkisang tricycle for hire sa Lungsod Quezon.