Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa pulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa implementasyon ng Full Devolution.
Ang Devolution ay pagsasa-lokal o desentralisasyon ng ilan sa mga tungkulin at programa ng national government sa mga local government unit (LGU) upang mas maiangkop ito sa pangangailangan ng mga residente, base sa Section 17 ng Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991.
Kinakailangan ding bumuo ang mga LGU ng kanilang Devolution Transition Plan (DTP), bilang pagsasabuhay sa Executive Order No. 138 Series of 2021, at Mandanas-Garcia Supreme Court ruling. Noong isang taon, bumuo na si Mayor Joy ng QC Devolution Committee na naglatag rin ng DTP.
Kasama ni Mayor Joy ang iba pang mga mayor, vice mayor, at opisyal ng iba-ibang lungsod sa NCR. Nagsilbi namang keynote speaker sa briefing si Secretary of the Interior and Local Government Benjamin Abalos Jr.