Personal na ininspeksyon ni Mayor Joy Belmonte ang mga ginagawang detention basins sa G. Araneta Avenue ngayong Sabado.
Layunin ng mga proyekto sa mga Barangay ng Sto. Domingo, Sienna, at Manresa na mabigyang solusyon ang pagbabahang tinatamasa ng mga residente sa lugar tuwing umuulan.
Ayon sa Alkalde, ang mga flood control projects na ito ay bahagi ng QC Drainage Masterplan na binuo ng Lokal na Pamahalaan upang tugunan ang pagbabaha sa buong QC.
Ang proyekto sa NS Amoranto ay may drainage capacity na 2,050 cubic meter o halos isang olympic-sized pool.
Samantala, ang detention basin sa Maria Clara Street ay kayang mag-imbak ng 2,530 cubic meter o halos isang olympic-sized pool.
Ang detention basin sa Mauban Street ay may kapasidad na 560 cubic meter.
Kasama sa inspeksyon sina City Engineer Atty. Dale Perral, Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.










