Naimbitahan bilang resource speaker si Atty. Noel del Prado ng QC Human Resource Management Department sa ginanap na Capability Building for Gender and Development ng Romblon Provincial Government.
Nagbigay naman ng kanilang taos-pusong pasasalamat sina Gov. Jose Riano at City Administrator Atty. Lizette Mortel at buong lokal na pamahalaan ng Romblon sa QC Government sa pagbabahagi ng kaalaman ukol sa Gender and Development, at mga umiiral na batas at ordinansa sa QC upang itaguyod ang mga karapatan ng kababaihan at isulong ang gender equality.
























