Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Upang mas maisulong ang isang ligtas at pantay na lungsod, sumailalim sa Gender and Development training ang mga opisyal at myembro ng Quezon City Police District.
Binigyang-diin ni QC Gender and Development Council TWG Head Janet Oviedo sa mga otoridad kung paano ang tamang pagpo-proseso sa mga kaso ng gender-based violence.
Ibinahagi rin niya ang mga programa at pasilidad ng lungsod sa pagsusulong ng GAD at pagpo-protekta sa mga biktima ng pang-aabuso tulad ng QC Protection Center at Bahay Kanlungan.








