Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang itinatayong bagong Galas Public Market.
Mayroon itong mahigit 200 stalls para sa mga manininda ng prutas, gulay, karne, at isda. May lugar din para sa mga kainan at karinderya sa ikalawang palapag.
Bukod dito, magkakaroon ng transportation hub sa palengke, para maging mas madali ang pagko-commute at biyahe ng mga kostumer.
Nakatakdang makipagdayalogo ang lokal na pamahalaan sa mga market vendor para pakinggan ang kanilang mga suhestyon at suliranin at agad na masolusyunan.
Kasama ni Mayor Joy sa pagbisita sa palengke sina Chief-of-Staff Rowena Macatao, City Engineer Atty. Dale Perral, Market Development and Administration Department (MDAD) Chief PCol. Alex Alberto (Ret.), District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at San Isidro Galas Punong Barangay John Reyno.