Panalo ang Quezon City Birth Registration Online sa 2024 Galing Pook Awards!

Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte at ng City Civil Registry Department (CCRD) ang parangal, sa awarding ceremony na ginanap sa Samsung Hall sa SM Aura.

Ang QC BRO ang digital birth registration system ng lungsod na nagpadali at nagpabilis sa pag-rehistro sa bawat batang ipinapanganak sa mga ospital at lying-in sa QC.

Simula nang magkaroon ng QC BRO noong 2022, lahat ng bagong panganak, nairerehistro agad. Zero na rin ang unregistered birth sa Quezon City.

Finalist naman sa Galing Pook ang QC Human Milk Bank.

Itinatag ng Quezon City Government ang Human Milk Bank noong 2015 para tugunan ang mga pangangailangan ng mga pre-term na sanggol sa gatas ng ina.

+21