Bilang bahagi ng kanilang validation process, sinuri ng Galing Pook Committee ang programang iRISE-UP ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO).
Ang iRISE-UP ay isang sistema na real-time na nasusundan ang iba-ibang kalamidad gamit ang mga datos na nakuha sa early warning devices at field equipment na nakakalat sa buong lungsod.
Binisita rin ng Committee ang QC Emergency Operations Center, ang ilang Early Warning Systems at Evacuation Facilities sa mga barangay ng Batasan Hills at Bagong Silangan.
Mainit namang tinanggap ni Mayor Joy Belmonte kasama si QCDRRMO OIC Sec. Ricardo T. Belmonte at mga tauhan ng QCDRRMO ang mga validators ng Galing Pook.