Quezon City is a city of arts!
Pormal nang binuksan ang Gateway Art Fair 2024 Vernissage sa pangunguna nina Mayor Joy Belmonte at J. Amado Araneta Foundation Executive Director Christine Diane Romero.
Tampok sa art fair ang mahigit 1,000 artworks mula sa 30 Filipino artists na bahagi ng exhibit, maaari din bilhin ang ilan sa mga obra na naka-display dito.
Hinikayat ni Mayor Joy na suportahan ang mga local artists sa pamamagitan ng pagtangkilik ng kanilang mga obra, pagdalo sa mga art fair at exhibits, at pag promote ng kanilang artwork dahil makatutulong ito sa pag-unlad ng sining at kultura ng bansa.
Nakiisa sa opening ceremony sina Asst. City Administrator Atty. Rene Grapilon, District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro, Ms. Lita Marcos Roque, at ang Father of Art Installation sa bansa na si Mr. Luis “Junyee” Yee, Jr.
Inaanyayahan ang lahat na bisitahin at tangkilikin ang mga likha ng ating local artists sa Gateway Art Fair 2024 Vernissage mula Sept. 27-29. Ito ay matatagpuan sa Quantum Skyview, Gateway Mall 2, Araneta City.