Congratulations, Quezon City!
Ginawaran ng Seal of Excellence Award ang ating lungsod ng National Disaster Risk Reduction and Management Council matapos magkamit ng 2.77 rating para sa Gawad Kalasag Seal for Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCOs) Category.
Idineklarang ‘Beyond Compliant’ ang lungsod dahil mas nahigitan pa ng lokal na pamahalaan ang mga pamantayan sa pagbubuo at pangangasiwa ng LDRRMCOs alinsunod sa R.A. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010.
Ito rin ang ikatlong taon na naitala ng Quezon City, sa pangunguna ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang ‘Beyond Compliance’ rating mula nang ipatupad ang mandatory assessment ng LDRRMCOs sa lahat ng local government unit sa buong bansa.
Patunay lamang ito ng mahusay na pangangasiwa at pagtugon sa mga sakuna at kalamidad ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng QCDRRM.