Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Ginawaran ng Association of Librarians in the Public Sector (ALPS) si Mayor Joy Belmonte bilang Kampeon ng Silid-Aklatan.
Pagkilala ito sa pamumuno at suporta ng alkalde sa Quezon City Public Library para maging isang state-of-the-art, service oriented public library na handang magbigay ng karagdagang kaalaman sa mga QCitizen.
Kinilala rin QCPL Chief Mariza Chico bilang 2nd most outstanding public librarian of the year, dahil sa kanyang dedikasyon sa pagsusulong ng pinakamataas na antas ng librarianship.
Nakatanggap naman ng Certificate of Appreciation ang lokal na pamahalaan na naging partner ng ALPS sa pagsasagawa ng matagumpay na 7th National Convention ng ALPS noong October 8 to 10, 2025.








