Pinarangalan ngayong gabi ang mga natatanging kababaihan na nagpamalas ng galing sa kani-kanilang larangan at komunidad sa ginanap na Gawad Marangal na Paglilingkod 2023, na inorganisa ni District 6 Rep. Marivic Co-Pilar.
Isa si Mayor Joy Belmonte sa mga nakatanggap ng pagkilala dahil sa kanyang kahusayan, kagalingan, at katapatan sa paglilingkod sa mga QCitizen.
Naging keynote speaker naman sa awarding ceremony si Sen. Risa Hontiveros na kilala ring tagapagtaguyod ng karapatan ng mga kababaihan.
Dumalo rin sa Gawad Marangal na Paglilingkod sina Coun. Ellie Juan, Coun. Kristine Matias, Coun. Banjo Pilar, at mga punong-barangay sa ika-anim na distrito.
Kabilang sa mga ginawaran ng award ngayong gabi ay ang mga natatanging kababaihan at organisasyon sa District 6 na nagpakita ng dedikasyon at di matatawarang ambag sa pag-angat ng pamumuhay ng kanilang kapwa sa kanilang komunidad.