Magandang balita, QCitizens!

Nakatanggap ng “Gawad Pagkilala Award” ang ating lungsod mula sa Veterans Memorial Medical Center bilang pagkilala sa patuloy na suporta ng Quezon City sa voluntary blood donation program ng ospital.

Tinanggap nina Coun. Bernard Herrera at PDAO OIC Ms. Deborah Dacanay ang award bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa ginanap na 33rd Operation Lifeline Awards and Recognition Ceremony.