Kinilala ng Gawad Pilipino ang 100 Most Empowered Women of the Year, kabilang na ang mga natatanging kababaihang lingkod bayan ng Lungsod Quezon.

Bukod kay Mayor Joy Belmonte, binigyang parangal sina Majority Floor Leader Doray Delarmente, Councilors Candy Medina, Geleen Lumbad, Aiko Melendez, at MTRCB Chairperson Lala Sotto.

Maraming salamat kay Dr. Danilo Mangahas at sa pamunuan ng Gawad Pilipino sa pagkilalang ito.

Patuloy nating isusulong ang mga programa na makatutulong para sa ikauunlad ng mga kababaihang QCitizen.